Trike driver patay sa aksidente sa Davao City

Patay ang 39-anyos na driver ng electronic trike, si Hermilo Sarin Dayagro, ng masapol ng isang sports utility vehicle ang kanyang maliit na sasakyan sa isang bahagi ng R. Castillo Street sa Agdao, Davao City madaling araw nitong Huwebes, January 30, 2025.

Nagtamo naman ng mga sugat at pasa sa katawan ang sakay ng kanyang mini-tricycle, umaandar gamit ang car battery, na sina Keye Therese Monterde, 24-anyos at ang 21-anyos na si Vince Mejasco, 21, parehong mga residente ng Agdao area sa Davao City.

Nasapol ng SUV ang electronic trike ng bigla itong nag u-turn habang sinusundan ng mas malaking sasakyan, ayon sa mga imbestigador ng Davao City Police Office na nagresponde sa insidente.

Bumangga ang SUV sa isang poste sa gilid ng kalye sa pagtangka ng driver nitong iwasan ang electronic trike na biglang nag u-turn sa harap nito.

Hindi na umabot ng buhay sa Southern Philippines Medical Center si Dayagro kung saan siya dinala ng mga emergency responders ng Davao City local government unit upang malapatan sana ng lunas. (January 30, 2025, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *