Dalawang bahay winasak ng malakas na alon

Dalawang mga stilt houses, nakatayo sa tabing dagat sa Zone 1 sa Barangay Tulay sa Jolo sa probinsya ng Sulu, ang sinira ng malakas na alon nitong gabi ng Martes, January 28, 2025.

Wasak ang dalawang bahay sa ibabaw ng dagat, ayon sa ulat ng barangay officials at ng mga himpilan ng radio Jolo, kabisera ng Sulu.

Agad namang nagpaabot ng ayuda sa mga nakatira sa mga bahay na sinira ang alon ang barangay chairman ng Tulay, si Salip Utal Hairal. (Jan. 30, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *