Patay ang isang guro sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa isang bahagi ng isang national highway sa bayan ng Makilala sa Cotabato nitong umaga ng Huwebes, January 30, 2025.
Magkaangkas sa isang motorsiklo ang 33-anyos na nasawi na si Maryell Ubana Decano at ang kanyang nobyo, patungo sana sa Makilala Institute of Science and Technology sa naturang bayan, ng mabangga ng kasulubong na motorsiklo na bigla lang lumitaw mula sa gilid ng ruta.
Nag-crash ang dalawang motorsiklo at bumagsak sa sementong highway si Decano.
Pumanaw sa isang hospital si Decano kung saan siya isinugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.
Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Makilala Municipal Police Station hinggil sa insidente. (January 29, 2025, handout photo, Christian Baquiran Gudoy)