Nagkasundo nitong Martes, January 28, 2025, sina Bangsamoro Transportation and Communications Minister Paisalin Pangandaman Tago at si Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na magtulungan sa mga programang magpapatatag ng seguridad at kapayapaan sa buong autonomous region.
Nagpulong ang mga kinatawan ng MoTC-BARMM at ng PRO-BAR, pinamumunuan ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, sa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao del Norte kung saan kanilang tinalakay ang pagpalawig ng kanilang kooperasyon sa pagpapalakas ng telecommunications sa rehiyon na kailangan para peace and security activities ng regional police at ng Bangsamoro government.
Tinalakay nila Minister Tago at Brig. Gen. Macapaz sa kanilang pagpulong nitong Martes ang planong pag-buo ng isang Memorandum of Agreement, o MOA, na maglalatag ng mga paraan ng pagtutulungan ng PRO-BAR at MoTC-BARMM para sa kanilang magkatuwang na communications and public service programs.
Ang pinaplanong MOA ay mag-uugnay sa tanggapan ni Minister Tago at mga opisyal ng Bangsamoro Telecomunications Commission at ng PRO-BAR sa mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan at mapalawig pa ang security at peacebuilding programs ng pulisya sa autonomous region. (January 29, 2025