Nasamsam nitong Martes ng mga pulis sa Makilala, Cotabato ang P2.3 million na halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia, lulan ng dalawang minivan at ihahatid sana sa mga buyers sa naturang bayan at iba pang mga lugar sa probinsya.
Sa ulat ng Cotabato Provincial Police Office nitong Miyerkules, January 29, 2025, naka-detine na ang mga drivers ng dalawang minivan para sa kaukulang interogasyon.
Ayon kay Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office-12, kanilang ipapakustodiya agad ang nasamsam na smuggled na mga sigarilyo sa Bureau of Customs. (Jan. 29, 2025)