Kandidato for board member na-ambush, sugatan

Isang kandidato sa pagka-board member sa Davao del Norte, ang 43-anyos na si Audrie Perez, ang sugatan ng pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa kanya sa gilid ng kalye sa Delfina Village sa Barangay Magugpo North sa Tagum City nitong gabi ng Martes, April 29, 2025.

Ang Tagum City ang siyang kabisera ng Davao del Norte Province sa Region 11.

Sa ulat ng mga police officials at local executives nitong umaga ng Miyerkules, sakay si Perez ng kanyang motorsiklo ng pagbabarilin ng mga lalaking nakaabang sa isang lugar sa Barangay Magugpo North.

Maagap namang naisugod ng mga emergency responders sa Tagum Doctors Hospital si Perez na nasa ligtas ng kalagayan, ayon sa mga officials ng Tagum City Police Office. (April 30, 2025, handout photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *