Patay ang isang 13-anyos na estudyante na aksidenteng nahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa kanilang paaralan sa Kidapawan City nitong Biyernes ng umaga, February 7, 2025.
Kinumpirma, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag nitong tanghali ng Biyernes ng administrasyon ng Kidapawan City National High School ang pagkamatay ng estudyanteng si John Lloyd Bedua sa naturang insidente.
Ayon kay Col. Gilbert Tuzon, director ng Cotabato Provincial Police Office, walang indikasyon na itinulak ng sinuman si Bedua mula sa naturang gusali kaya ito lumagpak sa lupa na nagsanhi ng kanyang pagkamatay.
Ang paaralang pinapasukan ni Bedua ay nasa sentro ng Kidapawan City, ang provincial capital ng Cotabato.
Na-record ng mga security cameras sa paligid ng paaralan ang masaklap na aksidenteng naganap. (Feb.7, 2025)