Ilang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang nadetine ng mga kinauukulan matapos magbarilan sila-sila sa Barangay Barurao sa Radjah Buayan, Maguindanao del Sur nitong umaga ng Huwebes.
Kinumpirma ng mga opisyal ng 6th Infantry Division ng Philippine Army nitong hapon ng Huwebes na 17 na mga combat weapons ang nasamsam ng mga tropa ng 33rd Infantry Battalion at ng mga kasapi ng Radjah Buayan Municipal Police Station mula sa mga MILF members na nagbarilan sa Sitio Damabago sa Barangay Barurao.
Ayon sa mga opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng 601st Infantry Brigade ng 6th ID, sangkot sa naturang engkwentro ang magkalabang mga MILF members na pinamumunuan ng mga malapit na magkamag-anak na sina Marato Felmin at Baguindali Felmin na mga commanders ng 105th MILF Base Command.
May hidwaan ang dalawa hinggil sa pulitika at control ng mga teritoryo sa Radjah Buayan, ayon sa mga local officials sa naturang bayan.
Ilang nga pamilyang Moro ang nagsilikas sa mga ligtas ng lugar sanhi ng labanan ng dalawang grupo nitong umaga ng Lunes. (Feb. 6, 2025)