Patay sa pamamaril nitong hapon ng Biyernes, February 7, 2025, sa Jolo, Sulu ang Assistant Schools Division Superintendent (ASDS) ng probinsya na si Sonatria Dandun Gaspar.
Pinasok ng armadong lalaki sa kanilang office compound sa Jolo, kabisera ng Sulu, si ASDS Sonatria Dandun Gaspar at binaril sa ulo na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Mabilis na nakakatas ang pumatay kay Gaspar ayun sa inisyal na ulat ng Jolo Municipal Police Station. (February 7, 2025)