Anak, pinagtataga sa leeg ang ama, patay

Brutal na pinagtataga sa leeg ng isang anak na diumano may problema sa pag-iisip ang kanyang ama na nagsanhi ng agarang kamatayan nito ngayong umaga ng Linggo, January 19, 2025, Barangay Madaum sa Tagum City sa Davao Del Norte.

Agad naman naaresto ang suspect ng mga pulis at barangay officials na nagresponde sa insidente, ayon sa inisyal na ulat ng Tagum City Police Office na sakop ng Police Regional Office-11.

Halos maghiwalay na diumano ang ulo ng biktima sa kanyang katawan sa tindi ng pagkakataga niya sa leeg ng ilang ulit, ayon sa barangay officials sa Madaum. (January 19, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *