Isa ng bangkay ang 47-anyos na ama na si Leomar Sulang Mayormita ng matagpuan sa isang liblib na lugar sa Barangay Pangao-an sa Magpet, Cotabato nitong Sabado, January 18, 2025, dalawang araw matapos siyang inuulat ng mga kamag-anak sa pulisya na nawawala.
Ayon sa mga imbestigador ng Magpet Municipal Police Station, may indikasyon na pinalo ng matigas na bagay sa ulo Mayormita na nagsanhi ng kanyang pagkamatay.
Naiuwi na sa kanyang pamilya ang kanyang bangkay. (January 19, 2025, handout photos)
