Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Unit-Bangsamoro Autonomous Region at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region ang ang isang lalaki na na nagpapanggap na dentista at nagsasagawa ng illegal dental services.

Ito ay ayon sa mga hiwalay na ulat ni Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng PRO at ni Brig. Gen. Bernard Yang, director ng Police Anti-Cyber Crime Group, na parehong nagkumpirma ng pagkakalambat ng pekeng dentista mismo sa aktong nagkakabit ng braces sa mga ngipin ng isang hindi unipormadong pulis sa isang lodging house sa Cotabato City at hindi sa isang lehitimong dental clinic.

Agad na siyang inaresto ng mga operatiba ng PRO-BAR at ng Police Anti-Cyber Crime Unit sa Bangsamoro region ng nabigyan ng go signal ng kanilang kasamang nagkunwaring magpapalagay sa hindi dentistang suspect ng braces sa ngipin.

Ayon kay Police Brig. Gen. Yan, nahaharap na ang suspect sa kasong paglabag ng Philippine Dental Act of 2007 at Cybercrime Prevention Act. (May 9, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *