Muslim-Christian solidarity, mabuti ang idudulot sa BARMM

Malaki ang epektong positibo sa Mindanao peace process ng mga programang nakatutok sa pagpapalawig ng interfaith at cultural solidarity ng mga Muslim, Kristiyano at mga non-Muslim indigenous people sa Bangsamoro region kaya’t dapat na magkaroon ng mga programang kaugnay nito, ayon sa isang bagong miyembro ng regional parliament, ang abugadong si Naguib Sinarimbo.

Ang Mindanao peace process ng pamahalaan at ng Moro communities ay naglalayong matuldukan ng ganap, sa pamamagitan ng regional governance, peace and security at socio-economic programs ang ilang dekadang kaguluhan sa southern regions sanhi ng pag-alsa ng mga Moro revolutionary fronts para makamit ang awtonomiyang ngayon ay gumagana na.

Ipinaliwanag nitong Huwebes, May 8, 2025, ni Attorney Sinarimbo, na-appoint ni President Ferdinand Marcos, Jr. bilang member of parliament (MP) ng Bangsamoro region nito lang March 2025, na dapat magkaroon ng regionwide program para sa pagpapalakas ang religious at cultural solidarity, o pag-iintindihan, pag-uunawaan ng mga pagkakaiba at mga pagkakahalintulad ng mga paniniwala ng mga Muslim at mga Kristiyano ayon sa kanya-kanyang mga relihiyon.

Ayon kay Bangsamoro MP Sinarimbo, mahalagang magkaroon ng mga inisyatibong kaugnay nito ang mga kinauukulan sa autonomous region, kabilang na ang mga nasa local government units na may mga sakop na mga komunidad na may iba’t-ibang ang religious at cultural settings.

Ayon kay Sinarimbo, nanilbihan bilang local government minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bago naging miyembro ng BARMM parliament, ang mga relihiyon ay nagtuturo ng paggawa ng mabuti sa kapwa at pagpapalakas ng pagkakaisa para sa ikakakabuti ng lahat.

Ayon kay Sinarimbo, hindi imposibleng magkaisa ang BARMM government, mga local government units sa autonomous region para sa naturang layunin.

Makikita sa larawan si MP Sinarimbo at isa niyang matagal ng kaibigan na si Bishop Jose Collin Bagafaro, na siyang bishop ng mga katoliko sa probinsya ng Cotabato. (May 9, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *