Dialysis center sa Lanao Sur libre sa lahat, bukas na

Mahigit isang linggo ng nakikinabang ang mga mahihirap na kidney patients na mga bayan sa Lanao del Sur ng libreng dialysis procedures sa isang pampublikong hospital sa probinsya.

Ang dialysis center sa pampublikong Doctor Serapio Montañer, Jr. Memorial Hospital sa Malabang, Lanao del and pinakaunang naitatag sa Lanao del Sur na may 39 na mga bayan at mahigit 90 na mga barangays sa kabisera nito, ang Marawi City.

Iniulat nitong Biyernes ng mga provincial officials at ng mga kawani ng health ministry ng Bangsamoro region na binuksan sa publiko ang dialysis center nitong April 30 at pinakikinabangan na mula noon ng mga pasyenteng mga Muslim at Kristiyano.

Ayon kay Bangsamoro Health Minister Kadil Sinolinding, Jr., may 10 na mga modernong machines sa free dialysis center na itinayo ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa compound ng Dr. Serapio Montañer Memorial Hospital gamit ang pondong mula sa BARMM regional government.

Kabilang sa naturang proyekto, sinuportahan din ng Philippine Health Insurance Corporation, ang pagtatag ng public health at acute stroke units at microbiology sections sa naturang pagamutan, ayon kay physician-ophthalmologist na si Sinolinding at kay Hospital Chief Hanipah Madale-Montaner na isang ring manggagamot.

Kabilang sa mga public officials na nagpahayag nitong Huwebes ng kagalakan sa pagbukas ng dialysis center sa Doctor Montañer, Jr. Memorial Hospital sa bayan ng Malabang si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, Jr. at ang manggagamot na Allen Minalang na siyang chief ng Integrated Provincial Health Office sa probinsya. (May 10, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *