6th ID may bagong commander

Ipinasa ng bagong talagang commander ng Western Mindanao Command ang liderato ng 6th Infantry Division sa kanyang kapalit sa isang seremonyang ginanap sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Sabado, January 25, 2025.

Ang pagpalit ni Brig. Donald Gumiran kay Lt. Gen. Antonio Nafarrete bilang commander ng 6th ID ay isinagawa sa Camp Siongco sa presensya ng commander ng Philippine Army, si Lt. Gen. Roy Galido.

Itinalagang fulltime commander si Nafarrete ng WestMinCom sa Zamboanga City.

Si Gumiran ay nagsilbing commanding officer ng 602nd Infantry Brigade ng 6th ID bago naging 6th ID commander.

Inatasan ni Galido si Gumiran na ipagpapatuloy ang mga multi-sector peacebuilding projects ni Nafarrete noong siya ang commander ng 6th ID at suportahan ang security programs ng Commission on Elections na naglalayong maging mapayapa at malinis ang May 2025 elections sa Central Mindanao. (January 25, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *