Home » Shabu dealer, timbog sa tulong ng ex-Abu Sayyaf

Shabu dealer, timbog sa tulong ng ex-Abu Sayyaf

Isang dealer ang nalambat at nakunan ng P340,000 na halaga ng shabu sa isang anti-narcotics operation nitong Lunes sa Talipao, Sulu na naikasa sa tulong ng mga residente, ilan sa kanila mga dating Abu Sayyaf terrorists na nagbabagong buhay na.

Sa pahayag nitong Martes ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspect na nakakulong na.

Naisagawa ng entrapment operation batay sa ulat ng mga residente ng Talipao, kabilang sa kanila mga dating Abu Sayyaf terrorists na sumuko na sa pamahalaan, hinggil sa pagbebenta ng suspect ng shabu sa kanilang bayan at sa Jolo, ang kabisera ng Sulu.

Ayon kay Castro, malaki din ang ambag ng mga units sa Sulu ng ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region sa naturang entrapment operation na nagresulta sa pagka-aresto ng isang dealer na nakunan pa ng P340,000 na halaga ng shabu. (February 11, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *