Isang residente ng Bagundang area sa bayan ng General SK Pendatun sa Maguindanao del Sur sa Bangsamoro region — si Samer Dimapalao — ang napatay sa pamamaril ngayong Lunes, February 10, 2025.
Naganap ang pagpatay kay Dimapalao sa sa Bagundang na sakop ng General SK Pendatun. Agad na nakatakas ang mga pumatay sa kanya, ayon sa inisyal na ulat ng mga lokal na kinauukulan.
Siya ang pang sampu ng napatay sa pamamaril sa Maguindanao del Sur mula ng ipatupad nitong January 12, 2025 ng Commission on Elections sa buong bansa ng gun ban kaugnay ng napipintong May 25 elections.
Ang Maguindanao del Sur ang may pinakamaraming mga gun-related killings sa buong Bangsamoro region mula ng ipatupad ng Comelec ang naturang gun ban. (February 10, 2025, handout photo)