Nabundol, 1 patay, 1 tumilapon, sumabit sa puno

Isang kakaibang aksidente ang naganap sa Barangay Bialong sa Mlang, Cotabato nitong Huwebes, January 31, 2025.

Isang motorsiklo at kotse na minamaneho ng Christian pastor na si Lito Dalisay ang nagkabanggaan sa Purok 5 sa Barangay Bialong, Mlang kung saan tumilapon at sumabit sa puno, mga 10 talampakan ang taas, ang isa sa dalawang motoristang sangkot sa aksidente, si Joel Javier.

Sa ulat ng Mlang Municipal Police Station nitong Sabado, nasawi sa aksidente ang driver ng motorsiklo na si Jesus Tubigan, kamag-anak ng kaangkas niyang si Javier na ngayon ay ginagamot na sa isang hospital ang mga sugat at pasa sa katawan.

Nagtamo din ng mga sugat at pasa sa katawan si Dalisay na nawasak ang kotse ng kanyang tangkang iwasan ang motorsiklong lulan sina Tubigan at Javier. (Feb.1, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *