
Isang motoristang kadudada ang pagkatao, walang dalang papeles ng motorsiklo, walang driver’s license at walang identification card, ang agad na namatay ng mag-crash and minamanehong motorsiklo nitong madaling araw ng Lunes, October 14, 2024, sa isang bahagi ng highway sa Purok, 21 sa Budbud sa Bunawan, Davao City.
Sa mga hiwalay na ulat ng Davao City Police Office at ng 911 Emergency Response Contingent ng Davao City local government unit, malinaw na nawalan ng control ang motorista kaya ito bumaliktad at lumagpak sa gilid ng highway na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Posible diumanong lango ito sa alak, o nasa impluwensya ng illegal na droga ng maaksidente.
Agad na dinala ng mga emergency responders ang bangkay ng biktima sa isang punerarya — October 15, 2024, handout police photo (JFU)