Home » Mga kooperatiba nabigyan ng mga kambing

Mga kooperatiba nabigyan ng mga kambing

Dalawang mga kooperatiba ng magkasanib na mga Muslim at Kristiyano ang nabigyan kamakalawa ng mga kambing na pang-breeding upang maparami at maibenta sa mga palengke.

Magkahiwalay na nagpasalamat nitong Martes, July 1, 2025, ang mga namumuno ng Tamped Upland Farmers Association sa Barangay Tamped sa bagong tatag na Old Kaabacan municipality sa Cotabato province at ng Macaguiling First Unit Agricultural Cooperative sa Barangay Macaguiling sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte na nabiyayaan ng naturang livestock dispersal ng tanggapan ng manggagamot na si Kadil Monera Sinolinding, Jr. na miyembro ng Bangsamoro parliament.

Katuwang sa naturang proyekto ng physician-ophthalmologist na si Doctor Sinolinding, isa sa 80 na mga miyembro ng regional parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Aquatic Resources-BARMM.

Ang Old Kaabacan ay isa sa walong mga bagong tatag na Bangsamoro municipalities na sakop ng BARMM government, ngunit nasa teritoryo ng Cotabato province sa Region 12. Ang naturang walong mga bayan, may 63 na mga Moro-dominated barangays, ay dating nasa loob ng mga municipalities ng Cotabato province.

Bagama’t hindi na sakop ng kanyang administrasyon, masigasig ang suporta ni reelected Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa mga peace and community development projects ng walong Bangsamoro municipalities sa kanyang probinsya. Nagkaisa sa pagtulong ang mga municipal officials at mga barangay leaders sa naturang mga lugar sa pagkampanya sa kaniyang kandidatura sa pangalawang termino nitong nakalipas na May 12, 2025 elections.

Ayon sa mga municipal officials ng Old Kaabacan at ng Sultan Kudarat malaking tulong sa kabuhayan ng mga cooperative members na sakop nila ang goat distribution project ni Doctor Sinolinding na tinustusan ng Transitional Development Impact Fund ng kanyang tanggapan sa BARMM parliament. (July 1, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *