Home » Mga kalahok sa LGBTQ pageant, namulat sa responsible mining

Mga kalahok sa LGBTQ pageant, namulat sa responsible mining

Labing anim na kasapi ng LGBTQ community na lalahok sa nakatakdang Lum’alay Queen 2025 pageant sa bayan ng Tampakan, South Cotabato ang nagkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa safe and responsible mining na isang alituntuning magkatuwang na pinapalaganap ng iba’t-ibang mga sektor, ng mga ahensya ng pamahalaan at ng isang pribadong kumpanya sa probinsya.

Sa ulat nitong Martes, June 24, 2025, ng mga kinauukulan sa South Cotabato province, ang 16 na mga LGBTQ pageant candidates ay nabigyan, sa isang study tour dalawang linggo pa lang ang nakakalipas, ng sapat na orientation ng mga kawani ng Sagittarius Mines Incorporated hinggil sa responsible mining, pangangalaga ng kalikasan at mga programang pagpapaunlad ng mga komunidad sa mga lugar na may mga mineral deposits katulad ng copper at gold.

Nag-tour ang 16 na mga kalahok sa Tampakan Lum’alay Queen 2025 sa field office ng Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI, sa Barangay Liberty sa Tampakan, upang malaman kung ano ang mga polisiya at mga proyekto ng kumpanya kaugnay ng responsible at safe mining na isasagawa nito, magsisimula pa lang batay sa pahintulot ng national government at ng mga tribal leaders ng indigenous Blaan community sa naturang bayan.

Hindi pa nakakapagsimula ang SMI ng mining operations kaugnay ng Tampakan Copper-Gold Project sa Tampakan at tatlong mga karatig na bayan, ang Columbio sa Sultan Kudarat, Malungon sa Sarangani at sa Kiblawan sa Davao del Sur.

Sa kabila nito, mismong mga local executives ng naturang apat na mga bayan, mga opisyales ng Department of Environment and Natural Resources 12 at ng Mines Geosciences Bureau 12 ang ilang beses ng nag-kumpirma sa media na nakapagtanim na, nitong nakalipas na limang taon, ang mga kawani ng SMI at mga residente ng naturang apat na bayan ng hindi bababa sa 1.6 million na mga forest tree seedlings sa mga lugar na magiging saklaw ng Tampakan Copper-Gold Project.

Ayon sa mga Blaan tribal leaders at mga municipal officials ng Tampakan, Columbio, Malungon at Sarangani, bagama’t hindi pa nasimulan ng SMI ang Tampakan Copper-Gold Project, gumastos na ng mahigit P2 billion ang kumpanya para sa mga community development, health, social welfare at education projects nito para sa mga residente ng naturang apat na mga bayan.

Sa pahayag nitong Martes ni Ruben Ibay Baclas, isa sa organizers ng Lum’alay Queen 2025, na nakapag-aral bilang scholar ng SMI, malawak ang kaalamang nakuha ng mga mga kalahok ng LGBTQ Lum’alay Queen 2025 pageant sa kanilang isinagawang study tour sa field office ng SMI sa Barangay Liberty sa Tampakan. (June 24, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *