Home » P13-M halaga ng shabu, nasamsam sa Marawi

P13-M halaga ng shabu, nasamsam sa Marawi

Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P13 million na halaga ng shabu sa isang dealer na na-entrap sa Barangay Bangolo sa Marawi City, Lanao del Sur nitong Linggo, June 22, 2025.

Kinumpirma nitong Lunes ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na nasa kustodiya na nila ang 21-anyos na suspect, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Castro, hindi na pumalag ang suspect ng arestuhin ng kanilang mga agents at mga hindi unipormadong mga kasapi ng ibat-ibang units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na kanyang nabentahan ng dalawang kilong shabu, nagkakahalaga ng P13 million, sa isang lugar Barangay Bangolo sa Marawi City.

Ayon kay Castro, naikasa ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, ng Marawi City officials at ni Gov. Mamintal Adiong, Jr., chairman ng Lanao del Sur Provincial Peace and Order Council.

Gagamiting ebidensya sa pagsampa ng kaso laban sa nakadetine ng suspect ang P13 million na shabu na nasamsam sa kanya, ayon kay Castro. (JUNE 23, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *