Mahigit 500 na mga residente ng ibat-ibang mga bayan sa Lanao del Sur ang ginamot, na-opera ang mga cataract at pterygium sa mga mata at maraming iba pa ang nagka-reading glasses ng libre sa isang outreach mission nitong Independence Day, June 12, 2025, sa probinsya.
Ang naturang outreach mission ng tanggapan ni Bangsamoro Health Minister Kadil Sinolinding, Jr. at ni Regional Chief Minister Abdulrauf Macacua ay kaugnay ng kanilang special program na Oplan Serbisyong Angkop sa Mamamayan, o OplanSAM.
Ang physician-ophthalmologist na si Regional Health Minister Sinolinding ay miyembro din ng Bangsamoro regional parliament.
Sa ulat nitong Sabado, June 14, 2025, ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ng tanggapan ni Chief Minister Macacua, suportado ng Integrated Provincial Health Office-Lanao del Sur, sa pamumuno ng chief nito, si Doctor Allen Minalang, at ng health officials ng Marawi City local government ang naturang OplanSAm activity sa probinsya,
Ayon sa ng mga local executives sa Lanao del Sur, 532 na mga batang lalaki ang natuli sa isinagawang OplanSAM medical mission sa probinsya at 124 na iba pang mga residente ang sumailalim sa mga minor surgical operations ng libre.
Mahigit 100 din na mga residente ang nabigyan ng mga reading glasses ng mga medical teams ng MOH-BARMM kaugnay ng kanilang Independence Day OplanSAM mission sa Lanao del Sur, isa sa limang probinsya na sakop ng Bangsamoro region. (June 14, 2025)