Home » Kandidato sa pagka-municipal councilor pinaslang

Kandidato sa pagka-municipal councilor pinaslang

Isang kandidato sa pagka-municipal councilor ang napatay sa pananambang sa isang mataong lugar sa Pagadian City nitong umaga ng Miyerkules.

Ang biktima, si Francisco Maca, isang kagawad sa Barangay Poblacion sa Kumalarang, Zamboanga del Sur, ay agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo ng pagbabarilin ng mga armado sa tapat ng campus ng Saint Columban College sa Pagadian City, ang kabisera ng Zamboanga del Sur.

Sa inisyal na ulat nitong Lunes ng tanghali ni Col. Restituto Pangusban, director ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, tinutugis na ng kanilang mga operatiba ang mga pumaslang kay Maca na mabilis na nakatakas sa kalagitnaan ng kaguluhang sanhi ng mga putok na umalingawngaw sa kapaligiran.

Naging municipal councilor sa Kumalarang si Maca ng tatlong termino bago nahalal na kagawad sa Barangay Poblacion sa naturang bayan. (February 5, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *