𝗚𝘂𝗿𝗼, 𝟱 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗮𝘄𝗶 𝗻𝗮𝗸𝘂𝗺𝗽𝗶𝘀𝗸𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝟯.𝟰-𝗠 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝘀𝗵𝗮𝗯𝘂

Arestado ang isang diumano school teacher at lima niyang kasabwat na nabilhan ng P3.4 million na halaga ng shabu ng mga anti-narcotics agents sa isang entrapment operation sa Barangay Rapasun sa Marawi City nitong Biyernes, November 22.

Sa pahayag nitong Sabado ni Gil Cesario Castro, director ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region, nahaharap na sa kaukulang mga kaso ang mga nakakulong ng guro na si Fatima Pangcoga Oranggaga at mga kasabwat niyang sina Hania Alcantara Delinogun, Esmael Antal Mamarinta, Alfatah Pangcoga Oranggaga at Juhaifa Pangcoga Oranggaga.

Agad silang inaresto ng mga operatiba ng PDEA-BARMM at mga kasapi ng police units na sakop ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region na kanilang nabentahan ng kalahating kilo shabu, nagkakahalaga ng P3.4 million, sa isang entrapment operation sa Barangay Rapasun sa Marawi City.

Isang menor-de-edad na kasama ng limang naka-detine ng shabu dealers ang agad na ipinakustodiya ng PDEA-BARMM sa mga kawani ng Marawi City Social Welfare Office at Bangsamoro social services ministry. (Nov. 23, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *