Isang dayo sa Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao del Sur, si Marham Saluddin, ang agad na namatay sa mga tama ng bala ng barilin ng isang salarin sa Barangay Lower Salbu sa naturang bayan nitong gabi ng Biyernes, June 20, 2025.

Si Saluddin ay residente ng Lambayong, isang bayan sa Sultan Kudarat. Una siyang dinala ng mga emergency responders sa isang hospital sa Maguindanao del Sur ngunit hindi na naisalba ng mga manggagamot.

Inilagak ang bangkay ni Saluddin sa isang punerarya sa Esperanza, Sultan Kudarat at doon na ito kinuha ng mga kamag-anak at inuwi na sa Lambayong upang agad na mailibing ayon sa tradisyong Islam na dapat mailibing ang patay sa loob lang ng 24 oras mula sa pagpanaw nito.

Nagtutulungan ang mga opisyal ng Datu Saudi Municipal Police Station at mga barangay officials sa Lower Salbu sa pagkilala sa pumaslang kay Saluddin upang masampahan ng kaukulang kaso. (June 21, 2025)