Home » 1 patay, 4 naospital dahil sa aksidenteng pagka-kuryente

1 patay, 4 naospital dahil sa aksidenteng pagka-kuryente

Isang manggagawa ang patay habang apat na iba pa ang naisugod ng makuryente habang nagtatayo ng mga solar power-generating sets sa Zone 2 sa Upper Bulua sa Cagayan de Oro City nitong Sabado.

Aksidenteng nasagi ng tinatayong solar light post ang high-tension power cable sa gilid ng kalye sa naturang lugar kaya nakuryente ang limang mga technicians at isa sa kanila ay agad na namatay mismo sa kung saan naganap ang insidente, ayon kay Major Reynaldo Galvan, Jr., chief ng Cagayan de Oro City Police Station 7 na sakop ang Barangay Bulua.

Nasa ligtas nang kalagayan ang apat na mga mangagawang aksidenteng nakuryente, ayon sa mga opisyal ng Cagayan de Oro City Disaster Risk Reduction and Management Office. (March 3, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *