Walang duda na ganap ng matibay ang samahan ng isang ma-impluwensyang leader ng malaking indigenous community sa Cotabato province, si ex-Cotabato Gov. Nancy Catamco, at ang kasalukuyang governor ng probinsya, si Emmylou “Lala” Talino-Mendoza, dating mga matinding political rivals nitong nakalipas na mga elections.
Makikita sa kanila-kanilang mga Facebook posts nitong nakalipas na mga linggo na madalas silang nagsasama sa mga pagtitipon, katulad nito lang nakalipas na ilang araw, kung saan nai-post ni dating governor Nancy ang kanilang pagsama ni Gov. Lala sa isang salo-salo..
Si ex-governor Nancy, naging kongresista din sa second congressional district ng Cotabato, ay kilalang leader ng making grupong etniko na kalat ang mga kasapi sa ilang mga bayan sa probinsya.
Si Gov. Lala, chairperson ng multi-sector, inter-agency Regional Development Council 12 (RDC-12), at si ex-Gov. Nancy ay nagtutulungan sa mga programang naglalayong mapubuti ang kalagayan ng mga indigenous groups sa mga bayan sa Cotabato.
Ang RDC-12 ay binubuo ng mga regional directors ng government agencies sa Region 12, mga leaders ng ibat-ibang sectors kabilang ang mula sa business community, at mga representatibo ng pulisya at militar at iba pang mga law-enforcement agencies, ng mga provincial governors at ng mga league of mayors sa rehiyon. (Handout photo, May 3, 2025)