Napatay ng mga sundalo ang isang miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute Group sa isang engkwentro sa Barangay Kalangan sa Piagapo, Lanao del Sur nitong Sabado, January 25, 2025.
Sa pahayag nitong Lunes ni Lt. Gen. Antonio Nafarrete, commander ng Western Minidanao Command, nagpapatrolya ang mga tropa ng 44th Infantry Battalion sa Barangay Kalangan ng paputukan ng mga kasapi terorista kaya nagka-engkwentro na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa kanila at pagkasugat ng isang sundalo.
Pinadala sa Barangay Kalangan ang mga tropa ng 44th IB matapos mag-ulat ang mga municipal officials sa Piagapo hinggil sa presensya ng mga Dawlah Islamiya-Maute Group terrorists na naturang lugar na sapilitang nanghihingi ng pera at pagkain sa mga walang kalaban-laban na mga residente.
Natagpuan ng mga sundalo sa tabi ng bangkay ng nasawing terorista, kinilala ng mga taga Barangay Kalangan na Usman, ang isang M16 rifle, isang M14 rifle at mga bala at ibat-ibang mga sangkap sa paggawa ng improvised explosive devices. (January 26, 2025)