Home » Campaign manager ng candidate for mayor sa Tawi-Tawi pinaslang

Campaign manager ng candidate for mayor sa Tawi-Tawi pinaslang

Patay sa mga tama ng bala ng M16 assault rifle ang campaign manager ng isang kandidato sa pagka-mayor ng Tandubas sa Taw-Tawi, biktima ng pamamaril nitong Biyernes, February 28, 2025.

Ang napaslang na si Habib Jamir ay siyang campaign manager sana ni Rhomar Matolo, kandidato sa pagka-mayor ng Tandubas, isang island municipality sa Tawi-Tawi, kaugnay ng nalalapit ng May 2025 elections.

Kapatid ni Matolo ang kasalukuyang three-termer na mayor ng Tandubas, si Rhodesia Matolo-Sali, na kabiyak ni reelectionist Tawi-Tawi mayor Ysmael Sali.

Sa ulat nitong Sabado ng Tawi-Tawi Provincial Police Office kay Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nakatayo sa isang mataong lugar sa Barangay Himba sa Tandubas si Jamir ng lapitan ng isang lalaking may bitbit na M16 assault rifles at paputukan ng ilang ulit.

Mabilis ng tumakas ang salarin ng nakahandusay na si Jamir, tadtad ng bala.

Para sa pamilyang Matolo at mga kamag-anak ni Jamir, may kinalaman sa napipintong May 25, 2025 elections ang pagpatay sa kanya sa harap ng maraming tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *