Home » Cotabato City barangay chairman, lumabag sa Comelec gun ban

Cotabato City barangay chairman, lumabag sa Comelec gun ban

Agad na inaresto ng mga pulis ang isang barangay chairman sa Cotabato City ng madiskubreng may dala siyang tatlong mga baril sa sasakyan na walang mga kaukulang dokumento mula sa pulisya at sa Commission on Elections nitong umaga ng Sabado, March 1, 2025.

Sa inisyal na ulat ni Col. Jibin Bongcayao, Cotabato City police director, nasa kustodiya na nila si Thong Gayak, chairman ng Barangay Tamontaka 4, nahaharap na sa kasong paglabag sa gun na ipinapatupad ng Commission on Elections mula pa January 12, kaugnay ng nalalapit ng halalan sa May 2025.

Agad na pinigil si Gayak ng mga kasapi ng Cotabato City police force at ng 5th Marine Battalion na nagsasagawa ng gun ban checkpoint operation sa Barangay Rosary Heights 3 sa lungsod ng mapunang may mga baril sa loob ng kanyang Toyota Hilux pick-up truck.

Natagpuan ng mga pulis sa loob ng naturang sasakyan ang tatlong mga pistols at mga bala ng kanila itong rekisahan ng mahalatang may dalang ang barangay chairman at kanyang mga kasama.

Walang naipakitang mga lisensya para sa naturang mga baril si Gayak. Wala din siyang dokumento mula sa Comelec na exempted siya sa ipinapatupad nationwide gun ban na iginagawad nito sa mga qualified na civilian gun owners tuwing panahon ng halalan. (March 1, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *