Home » Bayan ng dating kuta sa NPA, ‘insurgency-free’ na

Bayan ng dating kuta sa NPA, ‘insurgency-free’ na

Nadeklarang ganap ng wala ng presensya ng New People’s Army ang isa pang bayan sa Bukidnon na naging kuta ng grupo sa mahabang panahon na nagpahirap sa buhay ng mga residente doon.

Iniulat nitong Sabado ni Major Gen. Allan Hambala, commander ng 10th Infantry Division, na lumagda nito lang Martes sa isang deklarasyong “insurgency-free” na ang bayan ng Don Carlos sa Bukidnon ang mga sectoral leaders sa probinsya, mga local government officials, mga kinatawan ng mga units ng Police Regional Office-10 at ng commander ng 1003rd Infantry Brigade, si Army Brig. Gen. Marion Angcao.

Ayon kay Hambala, nagtulungan sa pagpapahina ng presensya ng mga teroristang NPA sa Don Carlos, sa pamamagitan ng community peacebuilding projects, ang 1003rd Infantry Brigade, ang mga pinuno ng indigenous tribes sa naturang bayan, mga municipal at provincial officials, ang Bukidnon Provincial Police Office at mga grupo ng dating mga rebeldeng nauna ng sumuko sa pamahalaan at ngayon tahimik ng naninirahan sa kanilang mga bayan sa probinsya.

Una ng magkasunod na nadeklarang insurgency free ng ibat-ibang sector ang limang bayan sa Bukidnon, ang San Fernando, Kadingilan, Damulog, Dangcagan at Kibawe, matapos ang sunod-sunod na pagsuko ng mahigit na 400 na mga NPA mula sa mga barangay ng naturang mga bayan nitong nakalipas na limang taon.

Ayon kay Hambala. malaki ang naitulong ng mga provincial officials at mga pinuno ng ibat-ibang mga etnikong grupo sa Bukidnon sa pagpapasuko ng mga miyembro ng NPA sa probinsya. (March 3, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *