
Parehong wala ng buhay ang dalawang mga babaeng elementary grade pupils ng matagpuan ng mga rescuers matapos naiulat na nawala habang naliligo sa isang beach resort sa Barangay Lower Manggas sa Lantawan, Basilan nitong Linggo.
Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ng Basilan Bureau of Fire Protection at ng Basilan Provincial Police Office, natagpuan ang dalawang mga batang nalunod, ang isa sa kanila 13-anyos habang ang isa naman ay 12-anyos, hapon na nitong Linggo matapos ang ilang oras na search operation sa karagatan sa tapat ng Blue Beach, isang resort sa Barangay Lower Manggas.
Tumulong din ang mga kasapi ng Philippine Coast Guard sa naturang search operation, ayon sa mga local officials sa probinsya.
Magkahiwalay na nangako ng ayuda ang local government unit ng Lantawan at si Basilan Gov. Hadjiman Salliman sa pagpapalibing sa dalawang mga batang nasawi sa insidente. (March 3, 2025)