Wala ng buhay ang 13-anyos na si Angelo Ponce ng matagpuan ng mga rescuers sa isang ilog sa Sitio Larbeco sa Barangay Limook sa Lamitan City nitong umaga ng Huwebes, May 1, 2025, matapos maanod ng rumaragasang tubig mula sa Bulingan Falls sa naturang lungsod.

Huling nakita si Ponce na naliligo ilog na malapit sa Bulingan Falls sa Barangay Bulingan sa Lamitan City, isa sa dalawang lungsod na sakop ng Basilan sa Bangsamoro region, bago ito naiulat na biglang nawala.

Biglang lumakas ang agos ng tubig sa ilog kung saan naroroon ng Bulingan Falls dahil sa malakas na ulan sa kapaligiran kaya natangay nito ang bata sa malayong lugar, ayon sa mga kinauukulan. (May 1, 2025, handout photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *