Sa halip na kaligayahan at pagmamahal ang tamasahin dahil sa pagdaraos ng “Mothers Day”, pinatay sa pamamagitan ng pag¬hataw sa ulo ang isang misis ng kanyang sariling mister sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Riverside, Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagtamo ng mga grabeng sugat sa ulo ay kinilalang si “Hilda”, 52, habang tumakas ang suspek na si “Diony”, 58, isang obrero na nahaharap sa kasong parricide.
Ayon kay Police Master Sgt. Leo Ognayon, officer on case, bandang alas-8:30 ng gabi ay isini-celebrate ng mag-asawa ang “Mothers Day” sa pamamagitan ng pag-inom ng alak subalit maya-maya ay nagkaroon ng mainit ang pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa.
Sa gitna ng komosyon ay kumuha ng isang kahoy ang mister at sunud-sunod na hinataw sa ulo ang misis sanhi upangduguang bumulagta.
Matapos na isagawa ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek at iniwan ang kahoy na ginamit sa pamamaslang sa kanyang misis. (PILIPINO STAR NGAYON, MAY 13, 2025, TONY SANDOVAL)