Home » Ambush sa Maguindanao del Sur

Ambush sa Maguindanao del Sur

Butas-butas sa tama ng bala ang isang sasakyan sa convoy ng ilang mga residente, kabilang sa kanila ang kandidato sa pagka-vice mayor ng bayan ng Buluan, si Anwar Dimasinsil, na pinagbabaril sa mataong lugar sa naturang bayan nitong umaga ng Martes, February 11, 2025.

Ang Buluan municipality ang siyang kabisera ng Maguindanao del Sur. Mahigit sampu na ang napatay sa mga pamamaril sa ibat-ibang lugar sa Maguindanao del Sur mula ng ipapatupad nitong January 12, 2025 ng Commission on Elections ang nationwide gun ban na naglalayong maging mapayapa ang nakatakdang May 2025 elections.

Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Buluan Municipal Police Station at ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office hinggil sa pinakabagong insidente ng pamamaril sa Buluan.

Sa limang probinsya ng Bangsamoro region, ang Maguindanao del Sur ang may pinakamaraming insidente ng mga pamamaril-patay mula ng nagsimula ang pagpapatupad ng Comelec ng nationwide gun ban nitong nakalipas lang na buwan. (February 11, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *