Tatlong matagal ng wanted sa ibat-ibang mga kasong nakabinbin sa mga korte ang nasukol ng mga pulis at mga kasapi ng Philippine Marine Corps sa isang joint law-enforcement operation sa Barangay Mother Kalanganan sa Cotabato City nitong Biyernes, May 9, 2025.

Kinumpirma nitong Sabado ng mga executives ang pagkaaresto sa naturang police-military anti-crime operation nila Abdulpatac Maguid Pantacan, na diumano leader ng grupong sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo at mga pagpapatay kapalit ng pera at pagbebenta ng shabu, at ng kanyang mga tauhan na sina Khalid Saglayan at isa pa na pansamantalang nakilala lang sa alyas na Harris.

Ayon kay Brig, Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nakunan ang tatlo ng isang .45 caliber pistol ng mga magkasanib na mga operatiba ng Cotabato City Police Office na pinamumunuan ni Col. Jibin Bongcayao, ng Police Anti-Kidnapping Group Mindanao Field Unit at ng mga tropa ng Marine Battalion Landing Team-2 na nagtulungan sa paghain sa kanila ng mga warrants of arrest para sa kanila.

Ang mga warrant of arrest para sa mga suspects ay mula sa mga korte kung saan may kinaharap silang mga kaso kaugnay ng kanilang diumano pagkakasangkot sa ibat-ibang mga krimen.

Pinasalamatan ni Macapaz ang mga opisyal ng MBLT-2 at ng mother unit nito, ang 1st Marine Brigade, sa kanilang pagtulong sa paghanap sa mga suspects sa Purok Sanginan sa Barangay Mother Kalanganan sa Cotabato City at sa pagsilbi sa kanila ng mga warrants of arrest kaya sila nakulong na agad sa isang police detention facility. (May 10, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *