Isang dealer ng shabu na kilala din ng marami na drug addict ang nasakote ng mga pulis sa isang entrapment operation sa Barangay Crossing Simuay sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Huwebes, June 26, 2025.
Nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat Municipal Police Station and suspect na si Norman Mohammad, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Iniulat nitong Biyernes ni Brig. Gen Jaysen de Guzman, director ng Police Regio¬nal Office-Bangsamoro Autonomous Region, na agad na inaresto ng mga pulis mula sa Sultan Kudarat Municipal Police Station ang suspect matapos silang bentahan ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Crossing Simuay, pinangunahan nila Capt. Tony Dimaro at Lt. Col Hector Tanio, Jr.
Abot ng P5,780 ang halaga ng shabu na nasamsam mula sa kanya sa naturang entrapment operation na suportado ng Maguindanao del Norte Provincial Police Office at ng 62nd Mechanized Company ng Philippine Army na naka-base sa Sultan Kudarat.
Sa ulat ng local executives sa Sultan Kudarat, matagal ng sugapa sa shabu si Mohammad na sangkot sa bentahan ng shabu sa ilang mga barangay sa kanilang bayan. (June 27, 2025)