Home » Dalagang nawala 2020, natagpuan ang kalansay sa septic tank

Dalagang nawala 2020, natagpuan ang kalansay sa septic tank

Kalansay nalang ng isang 17-anyos na dalaga ang ma-recover nitong March 4, 2025 sa Purok 5 sa Barangay Apokon sa Tagum City, kabisera ng Davao del Norte, eksaktong apat na taon mula ng siya ay naiulat na nawala noong March 4, 2020.

Natagpuan ang mga labi ni Queenie Grace Arong sa isang septic tank sa naturang lugar na agad namang tinipon ng mga barangay officials at mga kasapi ng Tagum City Police Station upang mai-turn over sa kanyang pamilya.

May person of interest na ang pulisya na posibleng may kinalaman sa malinaw na pagpatay kay Arong at paghulog ng kanyang bangkay sa septic tank, Nadiskubre ang kanyang mga labi nitong Miyerkules ng mga manggagawa na huhukayin sana upang linisin ang naturang septic tank.

Ayon sa mga kamag-anak ni Arong may isang lalaking kinontrata siyang gawing pictorial model at nawala na siya noong March 2, 2020 ng siya ay nakipagtagpo sa naturang lalaki upang magpirmahan na raw sana ng kontrata para sa naturang modelling work. (March 5, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *