Home » 30 manggagawa sumailalim sa skills workshop ng MoLE-BARMM

30 manggagawa sumailalim sa skills workshop ng MoLE-BARMM

Tatlumpung mga babaeng trabahante ng isang pribadong kumpanya sa Wao, Lanao del Sur ang sinanay nito lang nakalipas na linggo ng mga kawani ng Ministry of Labor and Employment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa paggawa ng flower bouquets na maari nilang ibenta para kumita ng karagdagang pera para sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Iniulat nitong Miyerkules ni Bai Sara Jane Sinsuat, director ng Bureau of Employment Promotion and Welfare (BEPW) ng MoLE-BARMM, na ang kanilang mga sinanay sa naturang skills training ay mga manggagawa sa Dole-Wao Development Corporation, isang agricultural firm sa Wao, isa sa 39 na mga bayan ng Lanao del Sur.

Ayon kay Sinsuat ang naturang skills technology project ay magkatuwang na ipinatupad ng BEPW at ng tanggapan ni MoLE Minister Muslimin Sema at ng MoLE-BARMM provincial office sa Lanao del Sur.

Layun ng naturang skills workshop na mapabuti ang kalagayan ng mga pamilya ng mga sinanay na manggagawa ng naturang pribadong kumpanya sa pamamagitan ng mga livelihood skills na maaaring magamit para sila kumita para sa kanilang mga gastusin araw-araw. (March 5, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *