Abot sa 95 na mga mahihirap na residente ng Barangay Nasapian sa bagong tatag na Kapalawan municipality ng Bangsamoro region ang nabigyan nitong Lunes, February 3, 2025, ng mga reading glasses at anim sa kanila na may pterygium at cataract ang nakatakda ng sumailalim sa medical treatment sa isang pagamutan.
Ang mga 95 na mga pasyente sa Barangay Nasapian sa Kapalawan, isa sa walong bagong tatag na Bangsamoro municipalities sa Cotabato Province sa Region 12, ay magkatuwang na natulungan sa isang outreach mission nitong Lunes ng tanggapan ni physician-ophthalmologist Kadil Monera Sinolinding, Jr., isa sa 80 na kasapi ng Bangsamoro parliament, at ng humanitarian team ng Deseret Foundation sa Kabacan, Cotabato.
Si Minister Sinolinding ay kasalukuyang health minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa ulat, ng local government unit ng Kapalawan at ng barangay officials ng Nasapian ang ng iba pang mga barangay sa naturang bayan, mahigit 2,000 na na mga residente na sakop nila na may mga problema sa paningin ang nagamot ng libre ng medical outreach team ni Minister Sinolinding nitong nakalipas na walong na buwan. (February 4, 2025)