Agad na nadetine ang appointed mayor ng Nabalawag municipality ng Bangsamoro region at tatlong kasama matapos makumpiskahan ng mga baril sa isang police-military gun ban checkpoint sa Sirawan sa Toril, Davao City nitong gabi ng Martes, February 4, 2025.
Nasa kustodiya na ng Davao City Police Office si Anwar Saluwang, appointed mayor ng Nabalawag, isa sa walong bagong tatag na Bangsamoro municipality sa probinsya ng Cotabato sa Region 12 at ang kanyang tatlong security escorts.
Magkasama sa isang sasakyan si Saluwang at tatlong mga kasama, patungo sa sentro ng Davao City, ng mapuna ng mga pulis at sundalo sa checkpoint sa Sirawan na sila ay may dalang mga baril.
Sa inisyal na ulat ng Davao City Police Office, wala silang
maipakitang mga lisensya at exemption sa gun ban na ipinapatupad ng Commission on Elections mula pa nitong January 12, naglalayong maging mapayapa ang gagawing local at senatorial elections ngayong May 2025.
Nahaharap na sa kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comelec gun ban si Saluwang at kanyang mga kasama. Sila ay nasa kustodiya na ng Davao City Police Office.(Feb. 4, 2025)