
Patay sa mga tama ng martilyo sa ulo ang isang 16-anyos na lalaki sanhi ng pag-martilyo ng kanyang ulo ng paulit-ulit ng kanyang kuya na si Jessie Carcosia nitong umaga ng Linggo, October 13, 2024, sa isang lugar sa Barangay Fatima sa General Santos City.
Malubha naman ang kalagayan ng ina ni Carcosia na si Elma Momay Carcosia, isang byuda, na minartilyo din ng ilang ulit ng suspect na diumano parang baliw na at nanlilisik ang mga mata ng kanyang ginawa ang naturang krimen.
Maagap namang naaresto si Carcosia ng mga barangay tanod at mga pulis na nag-responde sa insidente.
Nadeklarang dead on arrival ng mga doctor sa isang pagamutan kung saan dinala ng mga pulis ang nakakabatang kapatid ni Carcosia upang malapatan sana ng lunas.
Sinasabing may diperensya sa pag-iisip si Carcosia, minsan matino, minsan umaandar ang pagkakawala sa sarili, ayon sa mga kakilala. (October 15. 2024)