
Isang wanted sa dalawang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and nasukol ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group at ng mga kasapi ng ibat-ibang unit ng Police Regional Office-9 sa Barangay Katipunan sa bayan ng RT Lim sa Zamboanga Sibugay nitong hapon ng Miyerkules.
Sa ulat nitong Huwebes ng RT Lim Municipal Police Station at ng Zamboanga Sibugay Provincial Police Office na parehong sakop ng PRO-9, hindi na pumalag pa si Misael Jimlani, ng matunton ng mga agents ng CIDG-9 sa kanyang pinagtataguan at pakitaan ng mga warrant of arrest para sa kanya mula sa Regional Trial Court Branch 36 sa bayan ng Ipil.
May mga kinakaharap na kasong pagbebenta ng shabu si Jimlani sa naturang korte. Siya at nasa magkatuwang na kustodiya na ng CIDG-9 at ng PRO-9. (November 7, 2024)