Home » US military men, tapos na plane crash investigation

US military men, tapos na plane crash investigation

Umalis na ang mga US military men sa Barangay Malatimon sa Ampatuan, Maguindanao del Sur matapos mag-imbestiga ng ilang araw sa pag-crash sa naturang lugar ng isang eroplanong may lulan na apat nilang kasama nitong nakalipas na Huwebes, February 6, 2025.

Nasawi sa crash ang apat na mga Amerikanong kasapi ng US Armed Forces.

Guwardiyado ng mga kasapi ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng mga tropa ng 6th Infantry Division ang mga US servicemen na nagsiyasat sa crash site na nakasalamuha pa ang mga residente ng Barangay Malatimon na isinalaysay sa kanila kung ano ang kanilang nasaksihan sa naturang insidente.

Dala ng mga US military men sa kanilang paglisan ang ilang mga bagay na kanilang natipon mula sa nasawak na eroplano. (Feb. 12, 2025, handout photos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *