Patay sa ambush ang kapatid ng isang mayor sa Special Geographic Area (SGA) ng Bangsamoro region sa probinsya ng Cotabato sa Region 12 nitong umaga ng Huwebes, July 24, 2025.

Ang ambush victim na si Aladin Madih Mascud, kapatid ni Mayor Duma Mascud ng Kadayangan sa Cotabato, ay namatay sa mga tama ng bala na tinamo sa naturang pananambang.

Ang Kadayangan ay sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ngunit nasa teritoryo ng Region 12.

Sakay si Mascud ng kanyang sasakyan, patungo sa kung saan, ng tambangan ng mga armado sa Barangay Agriculture sa Midsayap, Cotabato.

Sugatan sanhi ng ambush ang babaeng si Anisa Luminog Mascud, empleyada ng Kadayangan local government unit, na kasama ng nasawing si Mascud sa kanyang sasakyan na pinagbabaril ng mga ambushers na mabilis na nakatakas. (July 24, 2025)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *