Patay ang pitong government employees habang 17 iba pa kabilang ang driver ang sugatan matapos ba mawalan ng preno at tumagilid ang sinasakyan nilang mini dump truck sa Barangay Guimbala-on sa Silay City, Negros Occidental umaga ng Biyernes.

Batay sa ulat ng Silay City Police, bandang alas-10 ng umaga nitong Biyernes nang mangyari ang aksidente sa Sitio Paho sa Barangay Guimbala-on sa Silay City.

Galing sa tree planting activity sa Sitio Lantawan sa Barangay Guimbala-on ang mga empleyado ng Silay City government at pabalik na sa city hall ng maganap ang aksidente.

Nawalawan ng control ang driver ng mini dump truck dahil sa mechanical trouble kaya ito nabuwal, nagulongan ang ilang mga sakay sa cargo deck nito bago lumagpak ng patagilid.

Inaantabayanan pa ang kumpletong final na ulat ng Silay City police hinggil sa insidente. (June 28, 2025, handout photo)