Patay sa mga tama ng bala ang dalawang lalaking sakay ng isang itim na kotseng na-ambush sa isang bahagi ng Cotabato-Isulan Highway sa Barangay Bitu sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong umaga ng Linggo, June 29, 2025.

Tadtad ng bala ng Honda Civic na kotse mga napaslang na sina LidasanTahir Nanalong, 42-anyos, at ang 43-anyos na si Thannie Undong Malang, parehong mga residente ng Cotabato City.

Sa inisyal na ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, agad na namatay sa mga tama ng bala sina Nanalong at Malang na patungo sana ng Esperanza sa Sultan Kudarat ng pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa kanila sa barangay Bitu.

Mabilis na nakatakas ang mga salarin, ayon sa mga barangay officials at mga kasapi ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station na nag-responde sa insidente. (June 29, 2025)