
Sa kulungan ang bagsak ng isang tricycle driver na patagong nagbebenta ng shabu, na-entrap ng mga pulis sa Barangay Tuka sa Bagumbayan, Sultan Kudarat nitong Biyernes, February 14, 2025.
Ang suspect ay nalambat sa magkatuwang na entrapment operation ng Bagumbayan Municipal Police Station at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office sa Purok Dela Peña sa Barangay Tuka sa Bagumbayan.
Hindi na pumalag ang suspect ng arestuhin ng mga hindi unipormadong mga pulis na kanyang nabentahan ng P127,000 na halaga ng shabu sa naturang entrapment operation.
Ayon kay Brig. Gen. Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office-12, malaki ang naitulong ng mga local officials sa pagplano ng entrapment operation na nagesulta sa pagkaaresto ng suspect at pagkakumpiska sa kanya ng P127,000 na halaga ng shabu. (February 16, 2025, handout photo)