Tricycle driver patay, kasama sugatan sa ambush sa Cotabato City

Isang driver ng tricycle, mas kilala na payong-payong, ang patay at sugatan naman ang kanyang kasama ng tambangan ng mga motoristang armado sa Purok Poblacion 1 sa Tamontaka 4 sa Cotabato City nitong Huwebes, February 13, 2025.

Agad na namatay sa mga tama ng bala si Maula Gadzali sanhi ng naturang pananambang na nagresulta din sa pagkasugat ng kanyang pasaherong si Normina Matar.

Naganap ang insidente sa isang araw lang ng mula ng mapatay sa ambush ang isang tomboy sa mataong bahagi ng Parang Road sa sentro ng Cotabato City, ang kabisera ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sakay ng motorsiklo ang biktima ng papatukan ng mga salarin na mabilis na nakatakas. Sugatan ang kaangkas ng tomboy na nasawi sa insidente. (Feb. 13, 2025) 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *